松阪市トップページ

トップバー

グリーンライン

Unang pahina >Ang lungsod ng Matsusaka


<1> Heograpiya
<2> Klima
<3> Lawak
<4> Papulasyon at Mamamayan
<5> Ang Munisipyo
<6> Rekomendasyon Plano ng Lungsod ng Matsusaka para sa Internasyonalisasyon 【PDF 5.12MB】


グリーンライン

 <1> Heograpiya

グリーンライン

Ang lungsod ng Matsusaka na ngayon ay kinikilalang new Matsusaka ay matatagpuan sa kalagitnaan ng Prepektura ng Mie. Sa Silangan matatagpuan ang look na Ise Bay at sa kanluran makikita ang hanay na kabundukan ng Daikou at sa ibayo nito makikita ang Prepektura ng Nara. Sa Katimogan ay makikita ang nayon ng Takigun at sa hilaga naman ay ang lungsod ng Tsu na nasa gilid ng ilog ng Kumozu.
Ang kanlurang bahagi ng Matsusaka ay binubuo ng kabundukan na binubuo ng bundok ng Kii at bundok ng
ng Takami at ang kabundukan ng Daikou. Ang kalagitnaang rehiyon ay binubuo rin ng mga bundok-bundukan at kapatagan naman ng Ise sa bandang silangan.

 

Lokasyon ng Matsusaka City

松阪市位置図

 

to TOP

グリーンライン

 <2> Klima

グリーンライン

Ang Matsusaka ay may tipikal na klima para sa rehiyon ng Tokai na masasabing katamtaman. Subalit ang bandang kanluran ay may malawak na deperensya ng temperatura ayun sa katangian ng klima na malayo sa karagatan. Ang karaniwan temperatura ay nasa kalagitnaan ng 140 C〜160C. Ang lugar ay meron katamtamang presipitasyon na 1500 milimetro ngunit ito ay mataas sa bahagi ng kabundukan na meron 2000〜2500 milimetro.

 

to TOP

グリーンライン

 <3> Lawak

Ang new Matsusaka ay meron lawak na 623.77 kuadrado kilometro na bumubuo ng 10.8 porsyento sa kubuuan lawak ng Prepektura ng Mie. Ang lupain ay meron haba ng 50 kilometro mula hilaga hangang timog at 37 kilometro mula silangan hangan kanluran. Ang kagubatan at kabundukan ay meron lawak na 429.57 kuadrado kilometro na bumubuon ng halos 68.9 porsyento ng lupa. Ang lupang pang-agrikultura ay merong lawak na 82.06 kuadrado kilometro (13.2%) at 27.98 kuadro kilometro (4.5%) naman ang para sa imprastraktura.

 

to TOP

グリーンライン

 <4> Papulasyon at Mamamayan

グリーンライン

Ayun sa ulat ng census noong 2005 ang kabuuang populasyon ng limang munisipyo na bumubuo ng lungsod ay nasa 168,973 katao. Ito ay mayroon 9.05 porsyento sa kabuuang populasyon ng Prepektura ng Mie. Ang ulat ay nagpahayag ng pagdagdag ng populasyon sa mababang lugar at pagbawas ng populasyon sa kabundukan. Noong taon 2005 ang bilang ng mamamayan ay nasa 61,616 o 1.5 doble ng bilang kung ihahambing noong 1975. Ang karaniwang pamilya ay binubuo ng magulang at mga anak na meron 2.7 miyembro. Ang bilang ng pamilyang meron kamag-anak na nakatira sa isang bahay ay unti-unting nababawasan. Ang bilang ng populasyon mga bata (0〜14 anyos) ay 22.2 porsyento noong 1975 at 13.7 porsyento noong taon 2005. Subalit ang bilang ng mga taong merong edad na lagpas 65 anyos ay nasa 10.8 porsyento in 1975, ngunit tumaas ng 22.2 porsyento noong taon 2005. Ito ay mas mataas kung ihahambing sa populasyon ng Prepektura na nasa 21.5 porsyento.

  

to TOP

グリーンライン

 <5> Ang Munisipyo

グリーンライン

松阪市市章

Kahulugan ng simbolo
 
Ang Japanese na letra "マ"na ang bigkas ay "MA"ay ang unang pantig naman ng Matsusaka. Ito ay nagpapahayag ng kagandahan ng lungsod, masiglang personalidad at masayang pakikipag-komunikasyon sa kapwa. Ang pabilog naman sa gitna ay nagpapakita ng bagong kinabukasan ng lungsod, at ang interseksiyon naman na pabaluktot ay nangangahulugan naman ng pakikipagtagpo at pakikipagpulong.


to TOP

 
back